Paslit patay sa bundol ng van

PITOGO, Quezon – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang anim na taong gulang na batang lalaki makaraang mabundol ng van sa highway na sakop ng Barangay Bilucao sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa San Diego Hospital si Rommel Cruzado, samantala, sumuko naman ang driver ng van (TTK-788) na si Mario Knong, 49 ng General Luna, Quezon.

Sa imbestigasyon ni PO2 Edgardo de Torres, nautusan ng magulang ang biktima sa tindahan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang tumawid ang bata papauwi kaya naganap ang aksidente. (Ulat ni Celine M. Tutor)

Show comments