Sinabi ni Willy Castor, presidente ng Nacap na kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang kanyang grupo sa CH-KEN na pinamumunuan ni Tesuhko Fujie, chief executive officer and chairman para mapadali ang pagtatayo ng 200,000 pabahay.
Sa ilalim ng panukala ng kompanyang CH-KEN, ang unang bahagi ng pabahay ay itatayo sa ibat ibang bahagi ng bansa na mabibinepisyuhan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).
Ayon kay Castor, ang mga unit na aakupahan ng GSIS at SSS ay maliit lamang ang buwanang hulog, kasunod nito ay babayaran naman ng dalawang nasabing ahensya ang Japanese firm matapos na maitayo ang pabahay.
Napag-alaman na naghahanap ng lugar sa bansa ang pamunuan ng CH-KEN para mag-invest ng P300 milyong pabahay para naman sa mga Japanese senior citizen at retirees na gustong mamalagi sa bansa. (Ulat ni Ding Cervantes)