^

Probinsiya

P6-B pagkakautang ng mga magsasaka isinisi kay Erap

-
CABANATUAN CITY – Isinisisi sa napatalsik na dating Pangulong Joseph Estrada ang malaking pagkakautang ng mga magsasaka sa National Irrigation Administration (NIA) na umaabot sa P6-Billion.

Ayon kay Engr. Antonio Nangel, Project Manager ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation System, nagsimulang lumobo ang utang ng mga magsasaka sa ginagamit nilang patubig, nang ideklara ni Estrada na hindi na sisingilin ng ahensiya tungkol sa patubig at pinatatawad na rin ang mga pagkakautang.

Bagamat nilinaw ng mga opisyales ng NIA-UPRIIS na hindi tuwirang tinukoy ni Estrada na hindi na sila magbabayad ay nanatiling matigas ang kanilang pasya na hindi na magbayad ng patubig.

Gumagawa ng paraan ang nasabing ahensya para makasingil sa mga magsasaka sa ginagamit nilang patubig at para mabayaran na rin ang mga dating utang ng mga magsasaka. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

ANTONIO NANGEL

AYON

BAGAMAT

CHRISTIAN RYAN STA

GUMAGAWA

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PROJECT MANAGER

UPPER PAMPANGA RIVER INTEGRATED IRRIGATION SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with