15 MILF sumuko
August 12, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Sumuko sa pamahalaan ang isang kumander ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasama na ang 14 pa nitong tauhan matapos ang matagumpay na negosasyon sa lalawigan ng Maguindanao, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Kinilala ang sumukong MILF leader na si Upong Masaglang, alyas Commander Cobra, ng 102th Brigade ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng MILF.
Ang mga nagsisuko naman nitong tauhan ay nakilala namang sina Macarabin Ulab, Karim Laba, Barong Masaglang, Manso Masaglang, Abdulkarim Samad, Gambis Zacaria, Johara Ulab, Mabang Masaglang, Abraham Masukat, Sajid Abad, Paks Dalgan, Ibrahim Ula, Abdulaah Dimalao at Alison Pakaskan; pawang ng Brgy. Damalusay, Datu Paglas ng nasabing lalawigan.
Sa ulat, bandang alas-10:30 ng umaga nang sumuko ang grupo ni Commander Cobra kay Lt. Col. Danilo Testropia, Commanding Officer ng Armys 47th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa Brgy. Tual, President Quirino, Sultan Kudarat.
Isinurender din ng mga ito ang kanilang mga armas at kasalukuyang sumasailalim sa masusing tactical interrogation. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest