P45-M para sa nawasak na mga eskuwelahan
August 11, 2003 | 12:00am
ILAGAN, Isabela Inaprobahan ni Pangulong Gloria macapagal-Arroyo ang pagpapalabas ng P45 milyon para sa nawasak na mga eskuwelahan noong nanalasa ang bagyong Harurot na naapektuhan din ang malawak na pananim.
Inatsan na ng Pangulo si Budget Secretary Emilia Boncodin na madaliin ang pagpapalabas ng nasabing halaga bilang pondo ng siyam na congressman sa Cagayan Valley region para sa rehabilitasyon ng mga nawasak na eskuwelahan.
Sa kabuuang P45 milyon, ang Isabela ay makatatanggap ng P20 milyon; Cagayan, P15 milyon at P5 milyon naman sa Nueva Vizcaya at Quirino.
Samantala, ilang bahagi ng nasabing rehiyon partikular na sa mga liblib na bayan ay nanatiling walang linya ng kuryente may tatlong linggo na ang nakalilipas simula nang manalasa ang bagyong Harurot. (Ulat ni Charlie C. Lagasca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest