Sa ulat ni P/Supt. Rodrigo de Gracia, pinadalhan ng sulat ng suspek na si Rodilito Cusipag ang biktimang si Chary Raquiño bilang suporta sa makakaliwang kilusan ng Northern Luzon Party Committee ng NPA rebels.
Nagpakilalang Kumander Marco ang suspek at humihingi ng revolutionary tax na halagang P.8 milyon, mga gamot at groceries.
Sinabi pa ni De Gracia na bago pa makipagkasundo ang bikitma kay Cusipag sa nasabing halaga ay nakipag-ugnayan na ang negosyante sa mga tauhan ng pulisya.
Nagpanggap naman na mga katulong ang ilang pulisya sa bahay ng negosyante para maaktuhan ang suspek na tumatanggap ng nasabing halaga.
Di nagtagal ay dumating sa bahay ng biktima ang suspek at nagpakilalang Kumander Marco at aktong iniaabot ang P.8 milyon ay agad namang dinakip habang ang kasama nito ay tumakas makaraang mamataang inaresto ng pulisya ang kanilang lider. (Ulat ni Victor P. Martin)