^

Probinsiya

Ex-soldier tiklo sa P.8-M kotong

-
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Isang dating kawal ng Philippine Army ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang magpanggap na kumander ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at naaktuhang nangongotong ng P.8-milyon mula sa isang negosyante sa Barangay Kinali, Gonzaga sa lungsod na ito noong nakalipas na linggo.

Sa ulat ni P/Supt. Rodrigo de Gracia, pinadalhan ng sulat ng suspek na si Rodilito Cusipag ang biktimang si Chary Raquiño bilang suporta sa makakaliwang kilusan ng Northern Luzon Party Committee ng NPA rebels.

Nagpakilalang Kumander Marco ang suspek at humihingi ng revolutionary tax na halagang P.8 milyon, mga gamot at groceries.

Sinabi pa ni De Gracia na bago pa makipagkasundo ang bikitma kay Cusipag sa nasabing halaga ay nakipag-ugnayan na ang negosyante sa mga tauhan ng pulisya.

Nagpanggap naman na mga katulong ang ilang pulisya sa bahay ng negosyante para maaktuhan ang suspek na tumatanggap ng nasabing halaga.

Di nagtagal ay dumating sa bahay ng biktima ang suspek at nagpakilalang Kumander Marco at aktong iniaabot ang P.8 milyon ay agad namang dinakip habang ang kasama nito ay tumakas makaraang mamataang inaresto ng pulisya ang kanilang lider. (Ulat ni Victor P. Martin)

BARANGAY KINALI

CHARY RAQUI

DE GRACIA

KUMANDER MARCO

NAGPAKILALANG KUMANDER MARCO

NEW PEOPLE

NORTHERN LUZON PARTY COMMITTEE

PHILIPPINE ARMY

RODILITO CUSIPAG

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with