No.1 most wanted sa Quezon napatay
August 9, 2003 | 12:00am
DOLORES, Quezon Napatay ang itinuturing na numero unong most wanted person sa bayang ito matapos na makipagbarilan sa mga miyembro ng 415 Police Provincial Mobile Group (PPMG) at lokal na pulisya kamakalawa ng hapon sa Barangay Dagatan ng bayang ito.
Kinilala ni P/Insp. Fernando Reyes III, acting Chief of Police ang napatay na si Abelardo Robles, alyas Jojo, 27, may-asawa, tubong Calamba City, Laguna lider ng noturyosong Vergaras Group na responsable sa kidnapping at carnapping sa 2nd district ng Quezon at ibang parte ng Laguna.
Si Robles ay itinuturing ding numero unong drug pusher sa bayang ito at may mga nakabinbing warrant of arrest sa kasong murder at may mga kaso ring kriminal sa Calamba City.
Batay sa ulat ni SPO4 Primitivo Amat, may-hawak ng kaso, dakong alas-2:30 ng hapon ay nagsasagawa ng intelligence operation ang pinagsanib na elemento ng 415th PPMG sa pamumuno ni P/C Insp. Ricardo Villanueva at Insp. Reyes III upang hulihin ang wanted subalit agad silang pinaputukan habang minamaneho nito ang isang pampasaherong jeep (DPL-154).
Parang eksena sa pelikula ang nangyari nang magpalitan ng putok ang mga awtoridad at suspek hanggang sa makorner ang huli sa Barangay Dagatan na nagresulta ng pagkasawi nito dahil sa tatlong tama ng bala ng baril sa ibat ibang parte ng katawan.
Narekober sa pag-iingat ng napatay na wanted ang isang caliber 9MM pistol at 7 basyo ng nabanggit na baril. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended