3 minasaker ng Abu Sayyaf
August 9, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Brutal ang sinapit na kamatayan ng tatlong katao matapos na bistayin nang bala at tadtarin nang taga ng hindi pa nakilalang mga salarin na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa naganap na summary execution sa isang liblib na lugar sa bayan ng Sibuco, Zamboanga del Norte, ayon sa ulat kahapon.
Halos humiwalay sa taga at nagkabutas-butas ang katawan sa bala ang mga biktima na kinilalang sina Joel Alvarez, 18; Constantino Fajardo, 36 at Emerson Ricafort, 54, na pawang mga magsasaka.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Hermogenes Ebdane, ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng umaga sa Brgy. Kamarangan, Sibuco ng lalawigang ito.
Nabatid na sampung lalaki na pawang armado ng baril at mahahabang itak ang walang habas na pinagtataga at pinagsasaksak ang mga biktima at matapos ay agad na tumakas sa hindi mabatid na direksyon.
Agad namang rumesponde ang mga elemento ng Sibuco Police Station sa pangunguna ni P/Inspector Dagurayan ngunit sinalubong sila nang pagpapaulan ng punglo ng mga suspek.
Tumagal ng halos sampung minuto ang palitan ng putok bago tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.
Wala namang naiulat na namatay at nasugatan sa panig ng mga nagrespondeng awtoridad.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga bangkay ng mga biktima na pawang nakagapos. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended