Kawal itinumba ng pulis

CAMP CRAME – Pinaniniwalaang matinding alitan ang namagitan para mapatay ang isang kawal ng Philippine Army makaraang pagbabarilin ng isang pulis habang ang biktima ay naglalakad sa bisinidad ng Barangay Poblacion, Alicia, Zamboanga Sibuya kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Alicia District Hospital ang biktimang si Pfc. Odelia Salazar ng Army’s 75th Infantry Battalion. Samantala, ilang minuto pa lamang matapos isagawa ng krimen at sumuko naman ang suspek na si PO2 Cesar John Buscayno ng Alicia Municipal police station.

Lumalabas sa imbestigasyong isinumite sa Camp Crame kahapon, inabangan ng suspek ang biktima habang naglalakad mag-isa sa nasabing barangay saka isinagawa ng pamamaslang. (Joy Cantos)

Show comments