Trader na kinidnap ng Sayyaf nakatakas
August 7, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Matapos ang mahigit apat na buwang pagkakabihag, nagawang makatakas ng isang negosyanteng Filipino-Chinese mula sa mga bandidong Abu Sayyaf Group sa isang isla sa lalawigan ng Sulu.
Kahapon, dakong alas-9 ng umaga ay pormal na iniharap ni bagong Task Force Comet Commander Brig. Gen. Gabriel Habacon kay AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko ang biktimang si Gertrudes Tan, 50, sa simpleng seremonya na ginanap sa Camp Bautista, Busbus, Jolo Sulu.
Sinabi ni AFP-Southcom spokesman Lt. Col. Renoir Pascua, nagawang makatakas ni Tan matapos na makalingat ang mga bantay mula sa isla na pinagtaguan noong Lunes ng gabi.
Si Tan, dala ang plastic galon na ginamit nitong timbulan ay lumangoy sa dagat hanggang matagpuan ng grupo ng mangingisda.
Ayon kay Pascua, ang biktima ay tinulungan ng mga mangingisda na nakarating sa Maimbung, Sulu.
Mula sa Maimbung ay lumulan naman ito ng pampasaherong jeepney at nakarating sa Jolo sa pagitan ng alas-7 hanggang alas-8 ng umaga.
Matapos na makarating sa kapitolyo ng Jolo ay agad naman itong nagtungo sa Camp Bautista, Busbus, Jolo, Sulu.
Magugunitang dinukot si Tan noong nakalipas na Abril 13 sa Brgy. Taglibi, Patikul, Sulu. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest