Police major, 4 pa timbog sa kidnap
August 7, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Bumagsak sa mga operatiba ng Central Luzon Police Regional Office (PRO) ang limang miyembro ng kidnap-for-ransom gang kabilang ang isang police major sa isinagawang rescue operation na muntik ng mauwi sa shootout sa San Fernando, Pampanga kamakalawa.
Kasabay nito, nailigtas naman ang dinukot na mayamang negosyanteng si Wang Teng Fa, Taiwanese national.
Kabilang sa naarestong suspek ay sina P/Chief Inspector Orlando Melchor, 39, lider ng grupo; PO2 Darius Salonga, 31; PO1 Ariel Torifiel; Alvin Nucum, 36; pawang nakatalaga sa Department of Interior and Local Government (DILG) Special Operations Group-Task Force Jericho at ang sibilyan agent na si Kenneth Sia, 31.
Sa isinumiteng report kahapon ni Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director P/Chief Supt. Vidal Querol kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane, ang mga suspek ay nasakote sa itinakdang payoff ng ransom sa bisinidad ng SM Megamall sa San Fernando City nitong Martes ng hapon.
Ayon kay Querol, si Fa ay dinukot ng mga suspek dakong alas-8 ng umaga sa Brgy. Sta. Maria, Magalang, Pampanga.
Dakong alas-11 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa telepono ang asawang si Chua Zu Lin mula sa mga kidnaper na humihingi ng P.3-M ransom.
Agad nakipag-ugnayan sa pulisya sa pamumuno ni P/Chief Inspector Eliseo Capili ang misis ng biktima hanggang nasakote ang mga suspek.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ang lima pang nakatakas na kasamahan ng mga suspek na lulan ng kulay berdeng Besta van (UNE-479) at kulay itim na Mitsubishi Pajero (FSZ-999). (Ulat nina Joy Cantos at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest