^

Probinsiya

3 Sayyaf nalambat ng militar

-
ZAMBOANGA CITY – Tatlong kalalakihan na pawang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf ang iniulat na nasakote ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Mindanao.

Kabilang sa nalambat ay sina Alsen Balitung Jandul, alyas Abu Jaafar; Almasul Ibba Mawadi at Samer Kangal Lanjang, alyas Abu Samer na pawang tauhan ni Sayyaf chieftain Khadafi Abubakar Janjalani, alyas Abu Moktar.

Lumalabas sa ulat ng militar na si Jaafar ay nalambat sa Indanan, Sulu at itinuturing na demolition expert ng Sayyaf at video camera operator ng nasabing grupo.

Kasunod nito, nalambat naman si Mawadi sa Bacungan Island noong Hulyo 23, 2003 sa bisa ng warrant of arrest ng Regional Trial Court Branch 4 at pinaniniwalaang katiwala ni Nadzmie Saabdullah, alyas Commander Global na ngayon ay nakapiit.

Samantalang si Lanjang naman ay dinakip sa kanyang pinagkukutaan sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City at kasapi ng striking force na sumalakay sa Dos Palmas, Palawan noong Mayo 27, 2001.

Napag-alaman din na si Lanjang ay kabilang sa dumukot sa 15 magsasaka ng Golden Harvest Plantation sa Barangay Tairan, Lamitan noong Hunyo 11, 2001 at nagmasaker sa 10 Balobo villagers sa nasabing lugar.

Si Lanjang ay may apat na warrant of arrest mula sa Isabela City Regional Trial Court Branch 11 sa Basilan. (Ulat nina Roel D. Pareño at Joy Cantos)

ABU JAAFAR

ABU MOKTAR

ABU SAMER

ABU SAYYAF

ALMASUL IBBA MAWADI

ALSEN BALITUNG JANDUL

BACUNGAN ISLAND

BARANGAY TAIRAN

BARANGAY TALON-TALON

COMMANDER GLOBAL

DOS PALMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with