Isa sa mga dinukot ay nakilalang si Barangay Chairman Tomas Manib, samantalang hindi naman agad nabatid ang mga pangalan ng apat maliban sa pawang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at Civilian Volunteers Organization (CVO) na nakabase sa nasabing barangay.
Base sa ulat na ipinarating kahapon ng Armys 4rth Infantry Division sa Camp Aguinaldo, naitala ang pangyayari bandang alas-3 ng madaling-araw habang nagpapatrulya sa naturang lugar.
Ayon kay Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr. ng Philippine Army na pinamunuan ni Leonardo Pitao, Kumander Parago ng Medardo Arce Command ng NPA ang pagdukot sa lima.
May teorya ang militar na papatayin ang mga biktima dahil sa aktibong kumakalaban sa makakaliwang kilusan sa nabanggit na barangay at karatig pook. (Ulat ni Joy Cantos)