3 pulis na positibo sa droga sisibakin
August 5, 2003 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan Tatlong pulis-Pangasinan na naging positibo sa bawal na droga matapos ang isinagawang confirmatory drug test ay posibleng masibak sa puwesto, ayon kay P/Senior Superintendent Mario Sandiego, provincial police director.
Kinilala ni Sandiego ang tatlong pulis-Urdaneta na nahaharap ngayon sa summary dismissal na sina SPO4 Gerardo Ormilla, 50, ng Barangay Nancayasan; SPO1 Jesus Labuan Jr., 37, miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT); at PO3 Randy Bergado, 35, nakatalaga sa traffic division.
Ipinag-utos naman ni P/Supt. Raul Petrasanta, police chief ng Urdaneta City na isurender ng tatlo ang kanilang service firearms habang dinidinig ang kaso.
Kasunod nito ay inilagay na sa floating status ang tatlo at pinag-uulat araw-araw sa kanyang opisina para maiwasan ang posibleng pagtakas. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest