^

Probinsiya

7 sugatan sa bumagsak na chopper

-
CAMP AGUINALDO – Pitong kawal ng Philippine Air Force (PAF) ang iniulat na nasugatan makaraang bumagsak ang sinasakyang helicopter sa kabundukang sakop ng Mt. Salakot, Palawan malapit sa Puerto Princesa kamakalawa ng umaga.

Tatlo sa kawal na ngayon ay ginagamot sa AFP Westcom Hospital ay nakilalang sina Air Force 2nd Class Rolando Tiu, Lt. Norman Alinsangan at ang pilotong si Capt. Gaudencio Lauron.

Ayon kay Major Restituto Padilla, tagapagsalita ng PAF, sa pagitan ng alas-7:15 hanggang alas-9:30 ng umaga nang magsasagawa ng routine mission ang chopper ng mga biktima sa taas na 3,000 talampakan nang biglang hampasin ng malakas na hangin ang katawan ng helicopter.

Pinilit ng pilotong si Lt. Lauron na mailapag ang chopper pero nawalan ng control kaya tuluy-tuloy na bumulusok sa makahoy na bahagi ng kagubatan.

Hindi naman nagtagal ay agad na nagresponde ang mga tauhan ng 570th Composite Tactical Wing ng PAF sa ilalim ni Brig. Gen. Edwin Galzote na nakabase sa Mt. Salakot kaya nailigtas naman ang mga biktima sa tiyak na kamatayan.

Inatasan naman ni Major Padilla sina PAF chief Lt. Nestor Santillan at Col. Roy Devenaturda, hepe ng Air Safety Office para magsagawa ng imbestigasyon kasunod na sinabing hindi na kinakailangan pang ipatigil ang paglipad ng ibang chopper dahil hindi naman mekanikal ang sanhi nang pagbagsak ng nasabing panghimpapawid na sasakyan. (Ulat nina Butch Quejada at Joy Cantos)

vuukle comment

AIR FORCE

AIR SAFETY OFFICE

BUTCH QUEJADA

CLASS ROLANDO TIU

COMPOSITE TACTICAL WING

EDWIN GALZOTE

GAUDENCIO LAURON

JOY CANTOS

MAJOR PADILLA

MT. SALAKOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with