Ang biktimang nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si PO3 Mateo Salvador Jr. ng Barangay Mabanogbog, Urdaneta City.
Sa ulat ng pulisya, hinarang ng mga armadong kalalakihan ang minamanehong scooter ng biktima bago sunud-sunod na pinaputukan.
Palakad na tumakas ang mga killer na animoy walang naganap na krimen, ayon sa ilang nakasaksi sa pangyayari. Kasalukuyan pang inaalam ang motibo ng krimen. (Ulat ni Eva Visperas)