5 bus ng 'flying voters' nasabat sa Marawi City
August 4, 2003 | 12:00am
MARAWI CITY Limang pampasaherong bus na may lulang "flying voters" ang iniulat na nasabat ng mga opisyal ng lokal na Commission of Elections (Comelec) makaraang tangkaing magparehistro sa ibat ibang bayan ng Lanao del Sur sa pagpapatuloy ng voters registration para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Kinumpirma naman ni Ray Sumalipao, Lanao del Norte provincial elections registrar na may mga politikong naghahakot ng mga residente mula sa Iligan City, Lanao del Norte at karatig pook na magpatala bilang lihitimong botante.
Ang mga hinakot na residente ay binayaran ng P300 para magpatala ng kanilang pangalan bilang botante pero hindi residente ng Marawi City.
Ayon sa Comelec, sisimulan ang registration ng botante mula sa 44 barangays sa Iligan City ngayon para ihanda sa darating na eleksyon sa susunod na taon. (Ulat ni Lino Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended