Si Rodrigo Salas na bayaw ni Mayor Reynaldo Parojinog Jr. ay tinambangan ng naka-bonnet na lalaki sa harap ng Evas Grocery.
Ayon kay P/Supt. George Galano, police chief ng nasabing lungsod na sinikap na maisalba ang buhay ng negosyanteng si Salas pero idineklarang patay sa Medina Hospital.
Matapos ang pananambang ay agad namang ipinag-utos ni Galano na magtayo ng checkpoint ang pulisya sa mga posibleng lusutan ng mga suspek.
Nadakip naman si Jose Balenzona na may dalang kalibre .38 baril at isinailalim sa interrogation para matukoy kung may kinalaman sa pananambang kay Salas.
Napag-alaman na si Salas ay idinawit sa bawal na droga pero inabsuwelto ng mababang korte.
Nabatid pa na pinatay din ang kapatid na lalaki ni Mayor Parojinog noong siya ay board member ng Misamis Occidental may dalawang taon na ang nakalilipas at hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling hindi pa nareresolba ang kaso. (Ulat ni Lino Dela Cruz)