Magdi-deliver ng ransom dinedo ng Sayyaf
August 4, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA Binaril at napatay ang isang lalaki na magdi-deliver ng 12,000 dolyares na ransom ng mga bandidong Abu Sayyaf malapit sa bayan ng Patikul, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Ang bangkay ni Abdul Lim ay nadiskubre noong nakalipas na linggo at hindi nabatid kung kailan pinatay ang biktima.
Base sa ulat, si Lim ay aktong nag-aabot ng nasabing halaga sa mga kidnaper ng kanyang kaanak na si Gertrudes Tan nang barilin ng mga bandido.
Ang nasabing halaga ay kapalit ng kalayaan ni Tan na kinidnap ng Sayyaf noong Abril at pinaniniwalaang bihag pa ng mga bandido sa kagubatan ng Jolo.
Napag-alaman pa sa nakalap ng intelligence report ni P/Chief Supt. Acmad Omar na si Tan ay nagkasakit habang bihag ng mga bandido.
Ang grupong Abu Sayyaf ay bihasa at notoryus sa operasyon ng kidnapping sa nasabing lugar.
Nagpapatuloy naman ang operasyon ng tropa ng militar laban sa mga bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ng AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended