Clerk of Court sinibak sa puwesto
August 3, 2003 | 12:00am
Sinibak ng Supreme Court ang Clerk of Court ng Talibon, Bohol Municipal Trial Court makaraang mag-isyu ng detention order nang walang pahintulot ang hukom.
Base sa per curiam decision ng Supreme Court, si Donato Auguis, Clerk of Court II, Branch 4 ng nasabing mababang korte ay nagkasala ng grave misconduct dahil na rin sa reklamo ni Adriano Albior.
Base sa record ng korte, nag-isyu ng detention order si Auguis sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) laban sa anak ni Albior lingid naman sa kaalaman ng hukom ng Talibon Municipal Trial Court.
Sinabi ni Albior na walang preliminary investigation at warrant of arrest laban sa kanyang anak kaya illegal ang ginawa na mag-isyu ng detention order si Auguis.
Ikinatwiran naman ni Auguis na maraming beses na siyang nag-iisyu ng detention order para sa mga preso ng PNP na mailipat sa pamamahala ng BJMP.
Sa kabila ng paliwanag ni Auguis ay kinatigan pa rin ng Supreme Court ang naunang desisyon ng Court Administrator na walang kapangyarihan ang Clerk of Court na mag-isyu ng detention order laban sa isang akusado base na rin sa Section 5, Rule 136 ng Rules of Court. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended