Obrero tinodas dahil sa panliligaw
August 3, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite May posibilidad na panliligaw ang naging ugat para barilin at mapatay ang isang 23-anyos na obrero ng kanyang kapitbahay na kawal ng Phil. Navy kamakalawa ng hapon sa Barangay Cabezos, Trece Martirez City, Cavite.
Lumagos ang bala ng baril sa leeg ni Rayman Olino, binata at residente ng Block 75 Lot 8 La Paz Homes, Phase 2 ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na agad namang tumakas ay nakilalang si Joey Dewilan, 24, binata ng nasabi ring barangay.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Edgardo Lontoc, magkasamang nag-uusap ang dalawa sa bakanteng kubo bago humantong sa mainitang pagtatalo.
Ilang kapitbahay ang nakarinig ng malakas na putok mula sa kinaroroonan ng dalawa bago namataang lumabas ang suspek na may dalang baril.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, kapwa nanliligaw ang dalawa sa isang babae na pinalalagay na nagselos ang suspek kaya napatay ang biktima. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended