Sa ulat na ipinarating ni ESS operations chief Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District commander Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, ang smuggled luncheon meat ay lulan ng limang 20-footer container vans ay ipinasok sa bansa ng Zone Swan, isang rehistradong locator sa Subic bay Freeport Zone (SBFZ) na nakapangalan sa isang Chinese-Filipino businessman na si Frank Chua.
Sinabi ni Alameda na bago kinumpiska ang mga kargamento ay isinailalim ang mga ito sa alert order status dahil sa intelligence report na bukod sa mga kahong maling ay dito rin ipinaloob ang tone-toneladang shabu kung kayat nagsagawa kaagad ng 100-porsiyentong spot-checking ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamumuno ni PDEA-Region 3 Director Supt. Jerome Baxinela at National Bureau of Investigation (NBI) gamit ang mga K-9 subalit negatibo ang kinalabasan ng inspeksyon.
Bunsod nito ay nagpalabas ng warrant of seizure and detention (WSD) ang bagong talagang Subic Port Customs Collector na si Atty. Alexander Arcilla laban sa mga kargamento sa paglabag nito sa ilalim ng Traffic and Customs Code of the Philippines (TCCP) (Ulat ni Jeff Tombado)