^

Probinsiya

P5-M luncheon meat nasabat

-
SUBIC BAY, Freeport – Kinumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BoC ang may 8,800 kahon ng imported na luncheon meat na nagkakahalaga ng P5 milyon dahil sa kawalan ng import authority kamakalawa ng Naval Supply Depot (NSD).

Sa ulat na ipinarating ni ESS operations chief Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District commander Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, ang smuggled luncheon meat ay lulan ng limang 20-footer container vans ay ipinasok sa bansa ng Zone Swan, isang rehistradong locator sa Subic bay Freeport Zone (SBFZ) na nakapangalan sa isang Chinese-Filipino businessman na si Frank Chua.

Sinabi ni Alameda na bago kinumpiska ang mga kargamento ay isinailalim ang mga ito sa alert order status dahil sa intelligence report na bukod sa mga kahong maling ay dito rin ipinaloob ang tone-toneladang shabu kung kaya’t nagsagawa kaagad ng 100-porsiyentong spot-checking ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamumuno ni PDEA-Region 3 Director Supt. Jerome Baxinela at National Bureau of Investigation (NBI) gamit ang mga K-9 subalit negatibo ang kinalabasan ng inspeksyon.

Bunsod nito ay nagpalabas ng warrant of seizure and detention (WSD) ang bagong talagang Subic Port Customs Collector na si Atty. Alexander Arcilla laban sa mga kargamento sa paglabag nito sa ilalim ng Traffic and Customs Code of the Philippines (TCCP) (Ulat ni Jeff Tombado)

ALEXANDER ARCILLA

CAPT

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

CUSTOMS POLICE DISTRICT

DIRECTOR SUPT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

FRANK CHUA

FREEPORT ZONE

JEFF TOMBADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with