Ayon kay Armed Forces Southern Command chief Lt. Gen. Roy Kyamko, naitala ang krimen bandang alas-7:30 ng umaga noong Miyerkules at hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakikipag-ugnayan ang mga kidnaper ni Casan Laguindab sa kinauukulan para mapalaya ang biktima.
Sinabi ni Lt. Col. Daniel Lucero, AFP chief information officer na walang feedback sa isinasagawang negosasyon ng lokal na opisyal ng pamahalaan sa mga kidnaper.
Napag-alaman na ang mga Comelec official ay nagsasagawa ng 5-araw na automated biometric registration ng botante sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para linisin ang listahan ng mga botante laban sa flying at ghost voters. (Ulat ni Roel D. Pareño)