Duguang bumulagta ang biktimang si Romeo Ponpon, samantala, ang anak na si Mark Anthony, 10 ay hindi naman nasugatan.
Naitala ng pulisya ang pananambang bandang alas-7 ng umaga matapos na harangin ng mga rebelde ang mag-ama.
May palagay ang pulisya na patuloy na tumatanggi ang biktima sa pagbibigay ng revolutionary tax sa makakaliwang kilusan ang naging dahilan ng krimen. (Ulat ni Ed Casulla)