4 pulis-Urdaneta positibo sa droga
July 31, 2003 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang apat na pulis-Urdaneta City makaraang maging positibo sa bawal na droga sa isinagawang biglaang drug test.
Sinabi ni Police Senior Superintendent Mario Sandiego, provincial director sa mga mamamahayag kahapon na naging positibo sa droga ang apat niyang tauhan pero pansamantalang hindi ibinigay ang mga pangalan.
Kapag lumabas ang ikalawang resulta sa confirmatory test na isinagawa ng PNP Crime Laboratory sa Camp Crame at naging positibo pa ang apat sa droga ay siguradong mahaharap sa summary dismissal.
Napag-alaman na kalahati ng puwersa ng kapulisan sa Urdaneta City ay sumailalim sa random drug test noong sanglinggo makaraang bumisita si Sandiego pero ang natitirang kalahati ay nakaligtas dahil sa naitalaga na sa kanilang puwesto.
Ayon pa kay Sandiego na P300 ang inisyal drug test at ang confirmatory ay P600 na boluntaryong ginastusan ng hindi pinangalanang Non-Government Organization (NGO).
Samantala, pinagsusumite naman ng kanilang nagawa, ang 16 na himpilan ng pulisya laban sa kampanya sa bawal na droga para malaman kung may ginagawa ang bawat estasyon ng pulis. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended