Tulak tinodas ng pulis
July 31, 2003 | 12:00am
RIZAL Isang paroladong tulak ng bawal na droga ang binaril at napatay ng pulisya matapos na tangkaing ihagis ang hawak na granada sa bahay ng kanyang live-in partner na tumangging makipagbalikan kamakalawa sa Barangay Pantok, Binangonan, Rizal.
Walang buhay na bumulagta si Danilo Cervantes, 39 ng Mabuhay Homes Subdivision, Barangay Darangan, Binangonan, Rizal.
Base sa inisyal na imbestigasyon, tinungo ni Cervantes ang bahay ng lola ng kanyang live-in partner sa San Valentin, Barangay Pantok.
Dahil sa lango sa droga ay nagwala habang hawak ang granada at pinagpipilitang lumabas ng bahay ang kanyang live-in partner.
Agad namang humingi ng tulong sa pulisya ang lolang si Angelita de Guzman para payapain si Cervantes.
Namataan naman ni Cervantes na rumesponde ang ilang pulis kaya tinanggal nito ang pin ng granada at aktong ihahagis pero umalingawngaw ang sunud-sunod na putok bago pa tuluyang pakawalan ang hawak na bomba.
Hindi na nakaporma pa si Cervantes at tuluyang bumulagta, samantala, hindi naman sumabog ang hawak na granada dahil agad na nahawakan ng isa sa mga nagrespondeng pulis ang kamay ni Cervantes.(Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am