NPA na susuko pinatay ng kabaro

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang rebeldeng New People’s Army (NPA) ng kanyang mga kabarong rebelde sa Barangay Bulalacao, Caramoran, Catanduanes makaraang matunugang balak magbalik-loob sa pamahalaan ng biktima kamakalawa ng hapon.

Hindi na nasilayan pa ang pagbabagong-buhay ni Anacleto Espiras Jr., 45, alyas Ka Sayong ng Mondragon Eastern Samar matapos na ratratin ng kasamahang rebelde bandang alas-3 ng hapon habang nagpapahinga sa bakanteng bahay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments