2 tiklo sa 30 kilong marjuana
July 30, 2003 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya Dalawa-katao ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang masamsaman ng 30-kilong pinatuyong dahon ng marijuana sa checkpoint na sakop ng Barangay Tactac, San Fe ng lalawigang ito kamakalawa ng madaling-araw.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Betty Binuluyan, 41, alyas Betty Polig ng Barangay Hapao, Hungduan, Ifugao at Edwin Gulpina, 20, ng Barangay Poblacion, Banaue, Ifugao.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Teodoro Santos kay P/Senior Supt. Jesus Manubay, provincial director, ang mga suspek ay nasabat ng mga tauhan ng 1st Police Mobile Group at 54th Infantry Battalion habang lulan ng Auto bus na may plakang AVM-103 patungo sa Maynila.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, kahina-hinala ang ikinikilos ng dalawa kaya aktong sisitahin ng ilang pulis pero agad na kumaripas ng takbo hanggang sa makorner.
Inamin naman ni Betty na dadalhin niya ang 30-kilong marijuana sa Maynila, kapalit ng P200 kada kilo na ibibigay ng nagngangalang Regina na siyang susundo sa kanila sa bus terminal.
Isiniwalat din ni Betty sa mga awtoridad na maraming nagdadala ng pinatuyong dahon ng marijuana mula sa Banaue, Ifugao patungo sa Maynila at sinasalubong ni Regina sa nasabing bus terminal na may mga kalalakihang kasama. (Ulat ni Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am