Patay agad ang mga biktimang sina Amador Sinfuego, 40, dating sundalo; Dondon Pardines, 29; at Vernie Ani, 8.
Samantala, ginagamot naman sa Mediatrix Hospital sa Iriga City, si Beverly Ani, 17, na anak ni Barangay Chairman Ernesto Ani.
Sa ulat na ipinarating kahapon kay P/Senior Supt. Jaime Lasar, Bicol provincial director, naitala ang karahasan bandang alas-2 ng madaling-araw.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, inakala ng mga rebelde na nasa loob ng kanyang bahay si Barangay Chairman Ani bago pa bistayin ng bala ng malalakas na kalibre ng baril.
Agad na inere sa mga lokal na radyo ang balitang kasama sa napatay si Barangay Chairman Ernesto Ani pero sa beripikasyon ay nadamay ang matandang Ani.
Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng mga rebelde para patayin ang mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)