^

Probinsiya

3 minasaker ng NPA rebels

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Niratrat ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bahay ng barangay chairman na ikinasawi ng tatlo, samantala, kritikal naman ang isa pa habang ang mga biktima ay nagkukuwentuhan kahapon ng madaling-araw sa Sitio Sinfuego, Barangay Cabanban sa Balatan, Camarines Sur.

Patay agad ang mga biktimang sina Amador Sinfuego, 40, dating sundalo; Dondon Pardines, 29; at Vernie Ani, 8.

Samantala, ginagamot naman sa Mediatrix Hospital sa Iriga City, si Beverly Ani, 17, na anak ni Barangay Chairman Ernesto Ani.

Sa ulat na ipinarating kahapon kay P/Senior Supt. Jaime Lasar, Bicol provincial director, naitala ang karahasan bandang alas-2 ng madaling-araw.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, inakala ng mga rebelde na nasa loob ng kanyang bahay si Barangay Chairman Ani bago pa bistayin ng bala ng malalakas na kalibre ng baril.

Agad na inere sa mga lokal na radyo ang balitang kasama sa napatay si Barangay Chairman Ernesto Ani pero sa beripikasyon ay nadamay ang matandang Ani.

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng mga rebelde para patayin ang mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

AMADOR SINFUEGO

BARANGAY CABANBAN

BARANGAY CHAIRMAN ANI

BARANGAY CHAIRMAN ERNESTO ANI

BEVERLY ANI

CAMARINES SUR

DONDON PARDINES

ED CASULLA

IRIGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with