4 pusher patay sa shootout
July 30, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng bawal na droga ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa dalawang pulis sa bisinidad ng Cavite City Regional Trial Court kahapon ng umaga.
Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay duguang bumulagta sina Ronald Basa, Larry Baron, Virgilio Roraldo at Joselito Pugay Jr.
Napag-alaman na ang apat ay lulan ng Tamaraw FX na may plakang PYD-416 at dadalo sana sa court hearing sa kasong bawal na droga.
Ayon kay P/Supt. Rodolfo Soriano, hepe ng Cavites Intelligence and Investigation Department, dumalo rin sa court hearing ang dalawang pulis-Rosario na sina SPO1 Fernando Garcia at PO1 Friolito Matro para magsumite ng counter-affidavit laban sa kaso nina Basa at Baron.
Sumakay na ng taxi sina Basa at Baron matapos ang court hearing saka umaligid sa bisinidad ng nasabing lugar hanggang sa mamataan nila ang dalawang pulis na pasakay na rin ng sasakyan.
Agad na nilapitan ng apat na suspek sakay ng Tamaraw FX saka pinaputukan pero sumablay kaya nagawang gumanti ng dalawang pulis na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Narekober sa loob ng sasakyan ng mga suspek ang dalawang kalibre. 45 baril na pinaniniwalaang ginamit sa shootout.
Kasalukuyang nasa custody ng Rosario municipal police station ang dalawang pulis para imbestigahan. (Ulat nina Ed Amoroso at Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended