^

Probinsiya

9 mangangaso nadakip

-
Siyam na mangangaso ang dinakip ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) makaraang makumpiskahan ng kilu-kilong karne ng Tamaraw mula sa Mt. Iglit-Baco sa Occidental Mindoro.

Ang mga suspek na nangulimbat ng mga ipinagbabawal na karne ng hayop nang walang-pahintulot ay nakilalang sina Arnel Domingo, Jonathan at Jessie Quindap, Jenly Andrade, Jose Angbatu, Roman Paguit, Beltran Solanoy, Florante Domingo at isang Mangyan na inarkila bilang porter.

Nasabat ang mga suspek sa bahaging sakop ng 77, 000 ektaryang national park sa nasabing lalawigan na may dalang backpack na nilagyan ng bawal na karne ng hayop.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Calitaan police station sa Mindoro at pormal na sinampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ARNEL DOMINGO

BELTRAN SOLANOY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FLORANTE DOMINGO

JENLY ANDRADE

JESSIE QUINDAP

JOSE ANGBATU

MT. IGLIT-BACO

OCCIDENTAL MINDORO

ROMAN PAGUIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with