Kinidnap na anak ng trader pinalaya
July 29, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Pinalaya na rin ang kinidnap na tatlong-taong gulang na batang lalaki ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom gang matapos na dukutin sa Tacurong City, may ilang araw na ang nakalilipas.
Narekober ng mga awtoridad ang biktimang si Jester Horlador, bandang alas-6 ng umaga sa bisinidad ng Barangay Dungguan, Pagagawan, Maguindanao matapos na abandonahin ng mga tauhan ni Tahir Alonto.
Ayon sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, si Horlader na anak ng mag-asawang negosyante ay dinukot ng grupong Pentagon at pinaniniwalaang nagbayad ng malaking halaga bilang ransom.
Nagsasagawa na ng dragnet operation ang mga tauhan ni P/Chief Supt. Manuel Raval, Region 12 police director para mapadaling malambat ang kilabot na mga kidnaper. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended