16 MILF rebels sumuko
July 29, 2003 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO CITY Labing-anim na rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may dalang sampung ibat ibang malalakas na kalibre ng baril ang kumpirmadong sumuko sa Philippine Armys Task Force Diamond IV noong nakalipas na linggo sa Lanao del Norte.
Ang mga nagsisukong rebelde na pinangunahan ni Mojib Macapaar Gamor, alyas Commander Nusa ng MILF National Guard ay malugod na tinanggap ni Col. Armando Cunanan, commander ng Task Force Diamond IV ng 4th Infantry Division na nakabase sa Kampo Ranao sa Marawi City.
Ayon sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan, hindi na nila makayanan ang mapanganib na pamumuhay sa kagubatan kaya nagpasyang magbalik sa dating normal na pamumuhay.
Nangako naman si Col. Cunanan na makatatanggap ng livelihood assistance ang mga rebelde sa ilalim ng Balik-Baril Program. (Ulat ni Bong D. Fabe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended