^

Probinsiya

Barangay chairman, 2 pa tiklo sa droga

-
ILIGAN CITY – Tatlo-katao kabilang na ang barangay chairman at konsehal ang iniulat na inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug bust operation sa Purok Coca-Cola, Sitio Camague, Barangay Tubod sa lungsod na ito noong Sabado, Hulyo 26, 2003.

Matapos na isagawa ang test buy laban sa mga suspek na sina Faisal Dimnatang, 37; Tata Sangolingan Angote, barangay konsehal sa Pasayanono, Matungao, Lanao del Norte at Fairosah Dimnatang, 24, ay agad na kumuha ng search warrant ang mga tauhan ng PDEA.

Armado ng search warrant na inisyu ni Judge Valerio Salazar ng Regional Trial Court Branch 6 ay sinalakay ng mga elemento ng PDEA at pulisya sa pangunguna nina P/Supt. Rene Orbe at P/Chief Insp. Ferdinand Bartolome, ang bahay ni Barangay Chairman Faisal Dimnatang, kasama ang suspek na si Fairosah.

Dinakip din sa hiwalay na operasyon si Angote at nakumpiska sa mga suspek ang 22 sachets ng shabu, drug paraphernalia at P800.00.

Ayon sa dalawang lider ng raiding team na sina SPO2 Edgardo Inglatiera at P/Sr. Insp. Lilia Undag, dalawang linggong paniniktik ang isinagawa ng mga awtoridad laban kay Faisal bago pa makumpirmang positibong notoryus na nagpapakalat ng bawal na droga.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na si Faisal ay nagmamay-ari ng mga mamahaling sasakyan at lantarang pagpapakita ng yaman na hindi naman umuugma sa kanyang kinikita bilang opisyal ng barangay. (Ulat ni Lino dela Cruz)

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN FAISAL DIMNATANG

BARANGAY TUBOD

CHIEF INSP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDGARDO INGLATIERA

FAIROSAH DIMNATANG

FAISAL

FAISAL DIMNATANG

FERDINAND BARTOLOME

JUDGE VALERIO SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with