Kapulisan alerto sa kudeta
July 28, 2003 | 12:00am
Inalerto kahapon ang buong puwersa ng kapulisan mula Region 1 hanggang 12 makaraang mapaulat na sinakop ng mga rebeldeng kawal ng militar ang ilang gusali sa Makati City kamakalawa ng madaling-araw.
Ilan sa mga kampo ng pulisya na red alert ay ang Camp Pantaleon Garcia sa Cavite, Camp Vicente Lim sa Laguna, Camp Alejo Santos sa Bulacan, Camp Nakar sa Lucena City, Camp Oscar Florendo, La Union at ang Kampo Simeon Ola sa Legazpi City.
Naglagay na rin ng mga checkpoint sa posibleng pagdaanan ng tropa ng militar na susuporta sa mga rebeldeng sundalo na nagtayo ng kuta sa Oakwood Primier Hotel sa Makati City.
Paralisado naman ang lahat ng biyahe sa mga lalawigan patungo sa Maynila na pinaniniwalaang malaking epekto sa mga negosyante at motorista.
Sinabi ni P/Senior Superintendent Rodolfo Magtibay na hinarang na ng kanyang mga tauhan ang 12 military personnel mula sa 27th Infantry Battalion, Batangas patungo sana sa San Ildefonso, Bulacan para dumalo sa pag-aaral.
Para maiwasan ang lumalalang tensyon sa Makati City ay pansamantalang inilagay sa Southern Luzon Command.
Kinumpirma naman ni Lt. General Alfonso Dagudag, commander ng AFP Southern Luzon Command na ang 38 rebeldeng sundalo ay pawang kasapi ng 1st Division, 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Montalban, Rizal.
Ayon naman kay P/Sr. Supt. Jaime Lasar, Bicol police director na hinarang na ng 901st Infantry Battalion ang dalawang trak na may lulang mga sundalo na dumating sa Matnog Port mula sa Samar.
Ang mga sundalong nakasakay sa dalawang trak ay pinaniniwalaang susuporta sa mga rebeldeng kawal sa Makati City. (Ulat nina Efren Alcantara, Ed Casulla, Tony Sandsoval, Christian Ryan Sta. Ana at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended