9 kalansay ng NPA nahukay
July 26, 2003 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Siyam na pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) kabilang rito ang isang 3-taong gulang na bata ang nahukay ng mga elemento ng Southern Luzon Command (SOLCOM) Philippine Army (PA) sa isang mass grave sa kabundukan ng Sitio Banago, Barangay May-it at Barangay Panlaban, Majayjay, Laguna kamakalawa ng umaga.
Ayon sa ulat na tinanggap ni SOLCOM Chief Major General Alfonso Dagudag buhat kay Major General Efren Abu, commanding general ng 2nd Infantry Division ng P.A., ang mga nahukay na kalansay ay pawang may mga tama ng bala sa ulo.
Hinihinalang ang mga ito ay nilikida ng kanilang mga dating kasamahan sa kilusan matapos na paghinalaang mga deep penetration agent (DPA) at dinamay na rin ang isang bata.
Itinuro ng isang di-pinangalanang rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan ang nasabing mass grave kayat agad na nagsagawa ng search operation ang mga militar sa kasagsagan ng bagyong Harurot.
Matapos ang isang araw na paghahanap ay nakita ang mass grave na malapit sa talampas at dahil sa malambot ang lupa ay naging madali sa mga militar na hukayin ang lupa.
Nasa pag-iingat ngayon ng municipal government ng Majayjay, Laguna ang mga kalansay para sa pagkakakilanlan ng mga kaanak nila. (Ulat ni Tony Sandoval)