9 patay sa giyera ng 2 angkan
July 25, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Siyam-katao ang iniulat na nasawi kabilang na ang isang tinyente ng militar at isa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsagupa ang dalawang angkan simula pa noong Lunes, Hulyo 21, 2003 ng hapon sa liblib na barangay sa Basilan.
Sa inisyal na ulat na nakarating kahapon sa Basilan PNP provincial command, nagkaroon ng matinding bakbakan at palitan ng putok sa pagitan ng dalawang mortal na magkalaban na angkan.
Napag-alaman na nagkaroon ng 30-minuto na putukan sa magkabilang grupo na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawa katao at pagkasugat ng isang mangingisda.
Kabilang sa siyam na nasawi ay nakilalang sina Aldam Abua at Fuljam Hamja, samantala, ang malubhang nasugatan naman na mangingisda ay si Manan Jairin.
Noong Miyerkules, Hulyo 23, 2003 ay agad na pinakalat ni Brig. Gen. Bonifacio Ramos, hepe ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army ang mga sundalo sa nabanggit na lugar upang maresolba ang lumalalang sagupaan ng dalawang angkan.
Inatasan ni Ramos ang mga battalion commander sa Basilan na dis-armahan at kumpiskahin ang mga baril ng dalawang angkan ngunit tinambangan ang mga nagrespondeng kawal ng mga naglalabang angkan.
Apat na sundalo ng Philippine Army ang kumpirmadong nasawi matapos na ratratin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang papasok sa war zone.
Gumanti ng putok ang tropa ng militar na ikinasawi ng dalawa sa mga mananambang.
Sa kasalukuyan, pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng kawal na nasawi hanggang hindi naipagbibigay-alam sa kanilang pamilya.
Nagpapatuloy pa rin ang bakbakan ng magkalabang angkan habang unti-unting pinapasok ng tropa ng militar ang naturang lugar, samantala, maaaring madagdagan ang bilang ng nasawi. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended