Bus hulog sa bangin, 13 grabe
July 24, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Labintatlo-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong bus sa bulubunduking bahagi ng Buguias, Benguet kamakalawa.
Agad namang isinugod sa ospital ng mga nagrespondeng pulisya ang mga biktimang sina Salming Lomedio, Godaliva Budid, Aida Chaplosen, Estipania Aniban, Irenio Pang-Itan, Alegia Minda, Benito Awal, Magdalena Mapowes, Erlinda Ticnoden, Daniel Sayong, Jaime Pagdangan, Afren Putyog at Agnes Carlos.
Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang aksidente bandang alas11:20 ng umaga habang binabagtas ng bus ang kahabaan ng Km63, Colliding, Natubleng ng naturang lugar.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasiraan ng makina ang Dangwa Bus na may plakang AYB-564 lulan ang mga pasaherong biktima.
Dahil sa pakurbadang kalsada ay hindi nakontrol ng driver na si Salming Lomedio ang bus kaya nagtuluy-tuloy na bumulusok sa bangin. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended