^

Probinsiya

Mayor dinakip sa kasong rape

-
Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alkalde ng Sanchez Mira sa Tuguegarao, Cagayan Province makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court sa kasong rape at pagmomolestiya laban sa isang 14-anyos na babae.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal si Sanchez Mira Mayor Dr. Salvador Galano Jr. matapos na aprobahan ni Cagayan Provincial Prosecutor Paulo Remudaro ang 2 kasong rape kaya nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Romeo Zamora ng Quezon City RTC Branch 94 noong Hulyo 16, 2003.

Base sa record ng korte, naganap ang pangyayari noong Hunyo 1998 sa bahay ni Mayor Galano sa Centro Uno, Sanchez Mira kung saan naninilbihan ang biktima.

Sinabi naman ni Galano na politically motivated ang pagpapalabas ng warrant of arrest at nangatwirang hindi naman siya dinakip kundi sumuko.(Ulat ni Doris Franche)

CAGAYAN PROVINCE

CAGAYAN PROVINCIAL PROSECUTOR PAULO REMUDARO

CENTRO UNO

DORIS FRANCHE

DR. SALVADOR GALANO JR.

JUDGE ROMEO ZAMORA

MAYOR GALANO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SANCHEZ MIRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with