Malakas tumungga ng alak tinusok ng kainuman

MULANAY,Quezon – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 31-anyos na mister makaraang tusukin ng patalim ang biktima ng kanyang kainuman dahil sa malakas tumungga ng alak sa Barangay Sto. Niño ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Patraydor na sinaksak ng patalim sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Alejandro Buaya, samantala, sumuko naman ang suspek na si Eufono Ferrer, 30, matapos isagawa ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon.

Ayon kay PO2 Gil Belarmino, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa hanggang sitahin ng suspek ang biktima dahil sa malakas tumungga ng alak pero binalewala nito kaya siya pinaslang. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments