8 katao tiklo sa droga

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan – Walong kalalakihan ang inaresto ng pulisya makaraang magsagawa ng operasyon laban sa bawal na droga sa magkahiwalay na bayan sa Bulacan kamakalawa.

Kabilang sa mga dinakip ay nakilalang sina Pepito Bordador, 59; Michael Etrecho, 27; Oscar Etrecho, 32; Alexander Dato, 32, na pawang residente ng Barangay Saluysoy, Meycauayan, Bulacan at Alexander Paragas, 46, ng Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, ang lima ay naaktuhang nagsa-shabu session matapos na isailalim sa pagtitiktik ng ilang araw.

Kasunod nito, nadakip naman ang mga suspek na sina Simeon Castro, 50; Ramon Lucero at Abelardo Bigtas makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Paombong, San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Nakumpiskahan ng 11.95 gramo ng shabu ang mga suspek matapos na magpanggap na poseur-buyer ang hindi kilalang pulis-Bulacan. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments