3 karnaper nasakote
July 22, 2003 | 12:00am
PANTABANGAN, Nueva Ecija Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang mga karnaper ang iniulat na inaresto ng tropa ng militar sa checkpoint na sakop ng Barangay Cadaclan sa bayang ito noong Linggo ng madaling-araw.
Ang tatlo na nakumpiskahan ng mga baril ay nakilalang sina Virgilio Rubio, 27, ng Barangay Villa Paraiso, Rizal, Nueva Ecija; Ariel Ruiz, 19, ng Barangay Sampalok at Leo Bagawe, 28, ng Barangay Marikit.
Narekober sa mga suspek ang behikulong may plakang CRU-843 na pag-aari ni Jane Chavez na kinarnap sa Rizal, Nueva Ecija.
Sa ulat ng pulisya, tinutugis ng pulisya ang mga suspek nang mapadaan sa checkpoint bandang ala-1 ng madaling-araw. Hindi na nakapalag ang tatlo matapos na makipag-ugnayan ang kapulisan sa mga tauhan ng 70th Infantry Battalion ng Philippine Army. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended