Phone booth pinasabugan ng bomba
July 22, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Umalingawngaw ang malakas na pagsabog na naging sanhi rin ng matinding tensyon sa mga residente makaraang taniman ng bomba ang phone booth sa kahabaan ng New Lucban, Baguio City kamakalawa ng madaling-araw.
Naitala ang pangyayari bandang alas-4:30 ng madaling-araw at agad na ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya para magawan ng paraan.
Mabilis namang rumesponde ang mga operatiba ng PNP-Explosives and Ordinance Division (EOD) at ilang departamento ng pulisya para magsagawa ng pagsusuri.
Napag-alaman pa na habang nagsasagawa ng inspeksyon sa paligid ng pinangyarihan ng pagsabog ay nakadiskubre naman ng isa pang bomba kaya agad namang nagawan ng paraan.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na pagsabog, samantala, may mga nakuhang ilang piraso ng bomba at kasalukuyang sinusuri.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended