P1.5-M puslit na gamot nasabat
July 20, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Tinatayang aabot sa P1.5-milyong ibat ibang uri ng smuggled medical supplies na inimport mula sa India ang nasabat ng mga operatiba ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) lulan sa worldwide courier service ng Federal Express (FedEx) kamakalawa ng umaga.
Sa ulat ni Capt. Marlon Alameda, ESS chief for operations kay ESS-CPD Chief Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, bandang alas-9:30 ng umaga nang magtungo ang mga ahente ng customs police sa Federal Express cargo house sa Bldg. 8132, Argonaut Highway, Lower Cubi Point, SBFZ upang iprisinta kay Ms. Frances Apostol, ng naturang kumpanya ang warrant of seizure and detention (WSD) laban sa limang malalaking kahon na naglalaman ng smuggled medical supplies na nakaimbak sa kanilang warehouse.
Sinabi ni Alameda na nasa ilalim ng "alert order status" mga epektos bago pa man ito naipasok sa bansa noong Hulyo 5, 2003. Wala ring maipakitang kaukulang dokumento mula sa Bureau of Food and Drugs (BFAD).
Napag-alaman sa ulat na ang naturang mga gamot ay naka-consigned sa ADB Trading Corp. sa 124 Rizal Avenue, Olongapo City subalit nang ito ay beripikahin ng mga tauhan ni Alameda ay dito nadiskubreng walang ADB trading na matatagpuan sa naturang lugar sa halip ay gasoline station.
May 155, 100 piraso ang kabuuang bilang ng ibat-ibang klaseng gamot na may matataas na antas na uri para sa high-blood, epilepsy at diabetic.
Agad na dinala sa Customs clearance area (CCA) at nakatakdang i-turn-over sa BFAD para sa karagdagang pag-analisa at disposisyon.(Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest