^

Probinsiya

6 pumatay sa trader kinasuhan na ng NBI

-
CABANATUAN CITY– Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na magkamag-anak na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang negosyante noong Hunyo 28, 2003 sa Bonifacio Street, San Jose City.

Ang mga suspek na ngayon ay nagtatago ay nakilalang sina Florentino "Tino" Afable, Jerwin Afable, Rollie Afable, Oliver Afable, Ian Afable at Victor Afable na pawang residente ng Sto. Niño 1st, San Jose City.

Ayon kay Pedro C. Roque Jr., hepe ng NBI-Nueva Ecija, pinagtulungang barilin hanggang sa mapatay ang biktimang si Thomas Potter Jr., samantala, ang live-in partner na si Virginia "Gigi" Esteban ay masuwerteng nakaligtas.

Base sa record ng NBI, nag-ugat ang pamamaslang kay Potter matapos na gulpihin ng biktima ang tinedyer na kamag-anak ng Afable.

Simula noon ay pinagbantaan na ang magka-live-in hanggang sa isagawa ang pamamaslang sa harap ng kanilang tindahan sa nasabing barangay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AFABLE

BONIFACIO STREET

CHRISTIAN RYAN STA

IAN AFABLE

JERWIN AFABLE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NUEVA ECIJA

OLIVER AFABLE

PEDRO C

SAN JOSE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with