Suspek sa murder,inambus
July 19, 2003 | 12:00am
Isa sa pinaniniwalaang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang konsehal ng munisipalidad ang iniulat na napatay, samantala, apat naman ang nasugatan makaraang tambangan ang biktima ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa Mabini Avenue, Tanauan City, Batangas.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Primitivo Panganiban, 42, negosyante ng Barangay Laurel, Tanauan, Batangas.
Sugatan naman at isinugod sa Mercado at Corachea Hospital sina Sesenando Vargas, driver ng pampasaherong dyip; Lino Vargas, Nilda Panganiban, Kristel Gutierrez at Meldyn Denev na pawang tinamaan ng ligaw na bala ng baril.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang mga biktima ay lulan ng pampasaherong dyip (DNG-345) nang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Rodolfo Magtibay, police provincial director, ang biktima ay isa sa pinaniniwalaang pumatay kay Rene Eugenio noong Abril 24, 2003.
Sinisilip ng mga imbestigador na posibleng paghihiganti ang pangunahing motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended