4 na tulak nalambat

CAMP AGUINALDO – Apat na kalalakihan na pawang nagtutulak ng bawal na droga ang iniulat na inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Barangay Bantangna, Columbio, Sultan Kudarat kamakalawa ng umaga.

Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspek na sina Larry Sakilan, Romeo Sakilan, Tommy Akna at Ramon Sakilan matapos na makumpiskahan ng 1,250 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Aguinaldo, ang apat na tulak ng bawal na droga ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Melanio Guerrero, acting Municipal Trial Court (MTC) ng Lutayan, Columbio, President Quirino at Lambayong. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments